maging bihasa
April 25, 2006Inaamin ko sa sarili ko na simula ng mahulog ang loob ko sa taong ito na mahilig magsulat ako na rin ay nabighani sa pagsusulat. Bagama’t hindi bihisa pero patuloy pa rin na nagsusumikap dahil alam kong malaki ang maidudulot ng pagsusulat sa aking buhay.
Noon, ang pagsusulat at pagbabasa ay isa sa mga bagay na kinaiinisan kong gawin lalo na sa mga asignaturang Filipino at Ingles sapagkat matagal akong makapag-organisa ng nilalaman ng aking isipan. Pero ngayon lubusan na talaga akong nabighani sa pagsusulat, at sa pagbabasa naman ay dahan-dahan pa sapagkat ako ay tila isang ningas-kugon sa mga libro. Sa katunayan, iisa pa lang ang librong natapos kong basahin at iyon ay ang “
Marahil kayo ay nagtataka kung bakit ginagamit ko ang Wikang Filipino sa aking pagsusulat ngayon. Ito ay sa kadahilanang ako ay labis na namangha sa mga pagbabago sa Retorikang Filipino at nais ko ring ipabatid at ilapat sa pagsasagawa ang aking natutunan sa loob ng klasrom. Mga pagbabagong katulad nito: Ang una ay sa Ingles, pangalawa ay dati, pangatlo ay ang bago.
modernization - modernisasyon - modernizasyon, reform - reporma - reform, official - opisyal - ofisyal, effective - epektibo - efektiv…at marami pang iba…
Tunay ngang napakahalaga ng patuloy na pag-aaral dahil malalaman mo kung ano na ang bago at hindi. Ayon pa nga sa aming titser, “napakasuwerte namin dahil kami ang unang naturuan nito ngayon”. Kaya naman, lubos akong nagpapasalamat hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa mga taong nagsilbing inspirasyon sa aking buhay lalung-lalo na sa aking mga naging guro at magiging guro. Gusto ko talagang maging bihasa sa pakikipagtalastasan. Maaring sa pasulat o pasalita lalung-lalo na sa wikang Ingles. (O, ano man? drama at OA ra kaayo? hehehehhe….)Sa totoo lang, nahihirapan din akong maglagay ng angkop na pamagat sa bawat akda ko…Pagpasensiyahan nyo lang ha…May potensiyal ba? hehehehehe….
Previous Comments
Alma, tunay ngang kalugod-lugod ang mga pangyayari sa iyong buhay at nararapat lamang na ito'y iyong pahalagahan lalong lalo na ang hangarin mong maging bihasa sa pakikipagtalastasan.
Harinawa ay magtagumpay ka sa iyong pang-araw-araw na pakikibaka sa mga dagok ng buhay, at sana'y panatilihin mo ang iyong pananabik na matuto ng mga bagong mga bagay hindi lamang sa silid-aralan, kundi sa iyong paligid.
Magandang araw, at nawa'y mas maraming biyaya pa ang darating sa iyo ngayon at sa mga araw na darating pa.
Posted by denzramblings at April 28, 2006, 2:05 pmAko ay lubos na nagpapasalamat sir sa napakagandang komento na iyong inhibalin sa akin. Pakakatandaan ko ang lahat ng sinabi mo at pagsisikapan ko na pahalagahan ang lahat…
Dacky, salamat din sa lahat.
Posted by mysteriouslife at April 28, 2006, 5:00 pmah..inihabilin man jud…mura man sad ta anang mopanaw na..aiiii..simbako wehehehehehe….bitaw alms..gudlak…
Posted by denzramblings at April 29, 2006, 4:16 pm





pwedeng pwede!
Posted by dacky at April 27, 2006, 10:59 pm